KAKAIBA | Vegan burger sa isang resto sa California, binansagang “Saddest Meal Ever”

California – Na-badtrip ang isang babae matapos na makita ang itsura ng inorder niyang vegie pretzel bun sa isang German restaurant sa California.

Kwento ni Vegan Taylor, kumain sila ng kanyang pamilya sa nasabing resto bilang selebrasyon ng Father’s Day.

Pero laking dismaya raw niya nang makita ang pagkaing inorder niya na inilarawan niyang “Disgusting And Saddest Meal Ever”.


Paano ba naman kasi, tinapay lang pala na pinalamanan ng green beans at tatlong baby carrots ang tinawatag na “Veggie Pretzel Bun” sa menu!

Ang mas nakaka-badtrip pa raw dito, dalawang oras nilang hinintay ang kanilang order.

Facebook Comments