KAKAIBA! | World’s first gold-plated chicken wings, mabibili na sa New York

New York – Mabibili ngayon sa isang restaurant sa New York ang kauna-unahang World’s Gold-Plated Chicken Wings.

Mayroong tatlong klase set ng order ang Ainsworth restaurant para sa gold-plated chicken wings.

Mayroong 10 wings para sa $30, 20 wings para sa $60, o 50 wings at isang bote ng champagne sa halagang $1,000.


Hindi naman kasi biro ang pag-prepare sa chicken wing na ito kailangan muna kasing ibababad ito sa coconut butter, chipotle, at honey batter sa loob ng 24 oras.

Matapos nito, iluluto ang chicken wings at lalagyan ng metallic gold sauce.

Dagdag pa sa appearance ng gold-plated chicken wings ang edible gold dust.

Facebook Comments