Manila, Philippines – Walang makapipigil sa pagtakbo ng 72-year-old na lolo na aktibong-aktibo pa sa mga ‘ultramarathon’.
Ang ultramarathon ay paligsahan sa pagtakbo sa malayong distansya na higit 26.2 milya o 42.1 kilometro ang layo.
Kinilala bilang pinakamatandang ultramarathon runner sa Pilipinas si lolo victor ting dahil sa higit 100 marathon na sinalihan niya.
Ayon kay lolo Victor, 30-years-old siya nang magsimula sa pagtakbo sa mga marathon hanggang sa naging bisyo na niya ito kahit siya ay matanda na at pinagbawalan na ng kaniyang doktor na tumakbo.
Pinakamahabang tinakbo ni Ting ay ang Bataan Death March ultramarathon noong 2012 na may layong 160 kilometro mula Mariveles, Bataan hanggang Capas, Tarlac sa loob ng 29 oras.
Facebook Comments