KAKAIBANG FARM EXPERIENCE SA POZORRUBIO, ATING ALAMIN

Natatanging farm experience ang inaalok ngayon sa bayan ng Pozorrubio sa gitna ng panahon ng anihan, yan ay sa pamamagitan ng “Pick and Pay” program ng CIJ Orchard na matatagpuan sa Brgy. Batakil.

Pinangungunahan ito ng retiradong agriculturist at multi-awarded entrepreneur-exporter na si Ms. Celine B. Gordon, na layunin na maipadama sa publiko ang kasiyahan ng pamimitas ng sariwa at de-kalidad na Florida mangoes na direkta mula sa mababang punong-kahoy ng kanilang orchard.

Sa kauna-unahang pagkakataon ngayong buwan ng Hunyo, tampok sa programa ang iba’t ibang uri ng Florida mango varieties na kilala sa kanilang makukulay na balat, kakaibang hugis, at natatanging tamis. Sa ilalim ng “Pick and Pay,” maaaring personal na mamitas ng mangga ang mga bisita at bayaran ito ayon sa kanilang napiling ani.

Bukas ang programa para sa lahat, mula sa mga nais magsimula sa agri-retail business, hanggang sa mga simpleng bisita na nais lamang tikman at maranasan ang kakaibang lasa ng prutas na ito.

Hinihikayat din ang publiko na magtanim at muling yakapin ang kalikasan bilang inspirasyon tungo sa mas masaganang ani at kabuhayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments