KAKAIBANG HALALAN | Ilang mga hayop sa Michigan, nanalo sa katatapos lamang na Eleksyon

Michigan – Isang kakaibang eleksyon ang ginanap ngayon sa isang village sa Omena, Michigan.

Nabatid kasi na nanalo bilang mayor ng kanilang bayan ang pusang si Sweet Tart Mckee kung saan mismong ang Omena historical society ang siyang nagsagawa ng eleksyon.

Bukod dito, nanalo din bilang first vice mayor si Diablo Sharpio habang second vice mayor naman si Punkin Anderson na parehong mga aso.


Itinalaga naman bilang press secretary ang kambing na si Harley at Special Assistant for Fowl Affairs ang manok na si Penny.

Sinasabing magtatagal sa pwesto ang mga bagong opisyal ng bayan sa loob ng tatlong taon.

Facebook Comments