Cauayan City, Isabela- Pormal ng binuksan ang Special Weapons and Tactics (SWAT) Training sa Police Regional Office No. 2 sa Grandstand ngayong araw.
Pinangunahan ni PBGen. Angelito Casimiro ang pagsisimula ng 65 days SWAT Training na nilahukan ng 60 PNP Personnel mula sa iba’t ibang grupo na kinabibilangan ng pulisya gaya ng Tuguegarao City Police Station, 1st and 2 nd Provincial Mobile Force Companies of Cagayan PPO, Ilagan City Police Station, City Mobile Force Company, Santiago City Police Office and 2nd Regional Mobile Force Battalion.
Kabilang din ang grupo ng kababaihan na ‘All-female Mobile Force Company ng Santiago City Police Office.
Inihayag naman ni PBGen. Casimiro na ang pinakaugat ng nasabing pagsasanay ay upang bumuo ng mga stratehiya sa pagtugon sa mga mapanganib at iba pang insidente gaya ng hostage situation at search/warrant arrest operation.
Sa pamamagitan aniya nito, ang iba pang PNP Personnel ay tiyak na makakabuo ng kumpiyansa sa sarili sa pagsasagawa ng mga critical assault o sitwasyon.
Ilan din sa mga kinakailangang sanayin sa mga trainees ang Close Quarter Battle, Marksmanship/Proficiency Firing, Tactical Bomb Entry, Tactical Assault during Failed Hostage Negotiation, Building Entry, Window/Hallway Clearing and Tactical Rapel, Ladder entry at iba pa.
Pangungunahan ng Mobile Training Team mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO)ang pagsasanay sa mga nasabing bilang ng pulis.
Sa huli, inaasahan na sa pagtatapos ng training ay magagamit ng mga ito ang kanilang kaalaman at kasanayan para mapasama sa mga piling tao ng Police Regional Office 2- Special Weapons and Tactics.