Kakaibang prank ng isang netizen para sa April Fool’s day, trending sa Twitter!

129

Naantig ang netizens sa kakaibang prank na ginawa ng isang lalaki sa mga food delivery rider para April Fool’s Day.

Sa Twitter, ikinuwento ng Twitter user na si @vberni na umorder siya ng pagkain mula sa iba’t ibang kainan sa pamamagitan ng food deliver application na Grab.

Ayon sa kanya, binayaran na niya ang mga biniling pagkain ngunit sa halip na ipa-deliever sa kanyang bahay ay ibinigay niya ito sa mga masuwerteng Grab rider.


Sinabi pa niya sa mga rider na iuwi nalamang ang mga pagkain upang pagsaluhan ng kani-kanilang pamilya.

Sa ngayon ay umani na ng higit 100,000 likes at higit 20,000 naman ang nag-retweet sa nasabing post.

Facebook Comments