San Mariano, Isabela – Agaw-pansin at pinagkaguluhan ang ilang uri ng saging sa San Mariano, Isabela.
Ito ay dahil sa kakaibang laki at haba nito sa pagkakatampok ng naturang produkto sa Dupo Festival ng naturang bayan nitong nakalipas na linggo.
Takaw tingin ang pinakamahabang bulig ng saging na may habang halos apat na metro habang ang isa ay napakalaki at malayo sa mga normal na laki dahil umaabot ito sa halos 3 pulgadang diametro ang isang piraso.
Ang isa pa ay may dalawang bulig at tatlong puso na nakadisplay sa booth ng barangay San Pedro, San Mariano, Isabela.
Ang saging ang isa sa mga pangunahing produkto ng naturang bayan at isa din ito sa mga itinampok na produkto sa nakalipas na Aggau na Yli ng naturang bayan.
Facebook Comments