Kakaibang shooting skills nina – Andray Blatche at June Mar Fajardo –susi para hindi matibag ang Gilas sa SEABA championship

Manila, Philippines – Kontento si Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes sa ginawang kumbinasyon kay Andray Blatche at June Mar Fajardo.

Ayon kay Reyes – hindi siya nagkamali na pagsamahin ang dalawang malaking manlalaro sa basketball court dahil na rin sa kakaibang shooting skills ng mga ito.

Ito aniya ang dahilan kung bakit hindi pa natatalo ang Gilas mula pa noong nagsimula ang SEABA championship.


Isang inihalimbawa nito ang ginawang matinding opensa nila kontra sa Thailand kagabi na nakuha ng Gilas ang panalo 108-53.
DZXL558

Facebook Comments