Manila, Philippines – Para maiwasan ang pagkain ng ramen nang maingay, isang Japanese instant noodle company ang naka-imbento ng smart fork.
Tinawag itong “otohiko” noise-cancelling ramen fork.
Gamit ang nasabing tinidor, pwede mo nang ma-enjoy ang paghigop ng noodles nang hindi mo maririnig ang tunog nito.
Meron kasing microphone sa loob ng hawakan ng tinidor kung saan oras na ma-detect nito ang “slurping sounds” sa pagkain ng ramen, otomatiko itong magpo-produce ng ibang tunog gaya ng “wooooooosh sound” o mga tunog na parang xylophone.
Available ang otohiko fork hanggang December 15 sa halagang halos P7,000.
Facebook Comments