Kakaibang trip ng disi-nuebe anyos na binata, akyatin ang pinakamataas na bundok sa Britain nang naka-suot ng high heels!

Panghimagas – Hinahangaan ngayon ang isang 19-anyos na estudyante dahil sa kakaiba nitong trip sa pag-akyat ng bundok.

Sa taas na 1,345 meters above sea level, itinuturing ang Ben Nevis na isa sa pinaka-delikadong bundok na aakayatin subalit ipinakit ani Ben Conway na nothing is impossible.

Nabatid kasi na nagawa ni Conway na makaakyat dito sa loob ng halos anim na oras habang naka-suot ng 5-inch na high heels.


Kwento ni Conway, hindi naging madali ang ginawang pag-akyat sa bundok lalo na’t first time niyang gawin ito.

Ginawa ni Conway ang pag-akyat ng naka-hgh heels dahil sa nais daw nitong makaipon ng pondo bilang tulong sa LGBT community sa kanilang lugar.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments