Manila, Philippines – Nagbantang kakalas sa PhilHeath ang grupo ng mga pribadong ospital sa bansa.
Ito ay dahil sa umano ay hindi pa rin nababayarang utang ng PhilHealth sa mga private hospital na aabot sa lima hanggang anim na bilyong piso simula pa noong 2011.
Ayon kay Dr. Rustico Jimenez, President ng Private Hospital Association of the Philippines – sa ngayon, ang tanging binabayara lang ng PhilHealth ay utang nito sa kasalukuyang taon.
Malabo rin aniyang makapagbayad ng utang ang PhilHealth dahil base na rin sa naging pagdinig ng Senado, lugi pa ang ahensya ng siyam na bilyong piso.
Babala ni Jimenez, kapag kumalas na sila sa PhilHealth, maniningil na sila nang buo at walang diskwento sa kanilang mga pasyente.
Facebook Comments