Kakampink rallies, maihahalintulad sa EDSA People Power ayon kay Sen. Leila de Lima

Inihalintulad ng re-electionist na si Senator Leila de Lima ang pagdagsa ng mga ‘Kakampink’ sa proclamation rally ni presidential candidate at Vice President Leni Robredo sa makasaysayang 1986 EDSA People Power Revolution.

Ayon kay De Lima na tumatakbo bilang senador sa ilalim ng Robredo-Pangilinan tandem, naging ‘unstoppable’ o walang makakapigil sa mga ‘Kakampink’ na ipakita ang kanilang suporta kay VP Leni sa katatapos lang na PasigLaban para sa Tropa Pasig City People’s rally noong March 20.

Aniya, ang tinatayang 140,000 na bilang ng taong dumalo sa Pasig rally ay hindi pa nagagawa ng kahit na sinong pulitiko at palatandaan ito na katulad noong 1986 EDSA Revolution, pinaparinig na ng mga Pilipino ang kanilang boses at hinaing sa mga trapo at tiwaling pulitiko.


Ito na ang naitalang pinaka-maraming bilang ng dumalo sa rally ng Robredo-Pangilinan tandem at kanilang mga senatorial candidates sa kasalukuyan na mahahalintulad sa EDSA Revolution nang patalsikin sa pwesto ang dating presidenteng diktador na si Ferdinand Marcos.

Facebook Comments