Hindi ikinatuwa ng ilang jeepney drivers kahit na mayroong ipatutupad na rollback ngayong linggo.
Ayon sa jeepney driver na si Ryan Mesias, sobrang baba pa rin naman kasi ng rollback kung ikukumpara ang sunud-sunod na oil price hike.
Sa ngayon kasi ang lahat ng mga bilihin ay tumataas ang presyo at hindi pa nadadagdagan ang pasahe sa mga pampublikong mga sasakyan.
Kaya naman diskarte ni Ryan ay maagang papasada hanggang gabi para kahit paano ay may iuuwi pa rin sa kanyang pamilya.
Samantala, sa kabila ng banta ng grupong Piston na tatlong araw na tigil-pasada ay walang planong sumali si Mang Ryan dahil mas mahalaga pa rin sa kanya ang kikitain sa buong araw kesa magtigil-pasada.
Kung maalala, pinag-iisapan daw ng grupong Piston na magsagawa ng tigil pasada kapag hindi makontrol ng pamahalaan ang pagsipa ng presyo ng mga produktong petrolyo pero wala pa namang inaanunsyong petsa ng transport strike.