Kakapusan ng manpower sa mga ospital sa bansa, ikinababahala ng PHAPi

Nababahala ang grupo ng mga pribadong ospital sa posibleng kakapusan ng manpower kasunod ng pagtatrabaho sa ibang bansa ng ating mga healthcare workers.

Ayon kay Private Hospital Association of the Philippines, Inc. (PHAPi) President Dr. Jose Rene de Grano, sa loob lamang ng dalawa hanggang tatlong linggo, 5 hanggang 10 porsyento ng hospital nurses ang nagbibitiw sa para magtrabaho sa abroad.

Aniya, kung hindi mapipigilan ang pag-alis ng mga ito, posible sa loob lamang ng anim na buwan ay maubusan tayo ng mga nurses at mapilay ang ating mga health facility.


Una nang sinabi ni Philippine College of Physicians (PCP) President Dr. Maricar Limpin na ilang health workers ang pinipiling magtrabaho sa abroad dahil sa mataas na sahod at mga benepisyo.

Facebook Comments