Nakatakdang mag-angkat ang Department of Agriculture (DA) ng 6,000 metrikong toneledang isda ngayong taon.
Ayon kay Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Director Eduardo Gongona, bahagi ito ng kanilang paghahanda dahil nalalapit na ang tinatawag na close fishering season.
Ito ay ang panahon kung saan mababa ang ani ng isda na kadalasang nagaganap mula Nobyembre hanggang Pebrero.
Kabilang sa mga aangkatin ang galunggong, matambaka, tulingan at iba pa.
Sa ngayon, payo ni Gongona sa publiko na mayroon namang alternatibong maaaring bilhin sa gitna ng inaasahang kakapusan ng suplay tulad tilapia, bangus at imported na galunggong.
Facebook Comments