Nagbabala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa posibilidad na magkaroon ng artipisyal na kakulangan sa suplay ng pera sa bansa dahil sa pag-iipon ng mga Pilipino sa labas ng bangko.
Sinabi ni BSP Governor Benjamin Diokno, kung kakapusin ang bansa ng umiikot na pera dahil sa pag-iimpok ng publiko tulad ng sa mga alkansya ay mapipilitang mag-imprenta muli ang BSP ng karagdagang pananalapi na siyang magdudulot ng mataas na gastos sa produksyon.
Dahil dito, hinikayat ni Diokno na mag-ipon ang publiko sa mga bangko upang umikot ang mga banknotes at barya sa merkado.
Maliban sa bangko ay mayroon pang ibang pamamaraan upang makapag-ipon ng pera tulad ng microfinance institutions, cooperatives, non-stock savings, loan association at e-money issuers.
Dagdag pa nito, ang mas kakaunting pag-iimprenta ng pera at imi-imint na barya ng BSP ay magreresulta ng mass malaking pondo na maibibigay ng Bangko Sentral sa national government.