KAKAPUSIN | Manila City Jail, problemado sa kawalan ng supply ng NFA rice

Manila, Philippines – Aminado si MCJ Spokesperson Jail Senior Inspector Jayrex Bustinera na kakapusin sila ng budget dahil sa kawalan ng supply ng NFA rice.

Ayon kay Bustinera umaabot sa 5,400 na inmates na kanilang pinakakain kung saan kumukonsumo umano sila ng 45 sako ng NFA rice kada araw at ang isang sako ng NFA rice ay umaabot sa 1,250 pesos habang ang Commercial rice ay pumapalo sa 1,900 pesos isang sako.

Paliwanag ng opisyal hindi nila malaman ngayon kung saan kukuha ng pondo para sa mga bilanggo ngayon kakapusin ang supply ng NFA rice sa bansa.


Giit ni Bustinera bukod sa isa kanilang problema ang siksikan na mga bilanggo sa naturang kulungan ay mawawalan pa ng supply ng NFA rice kayat hindi nila malaman ngayon kung papaano reresolbahin ang pagpapakain sa mga inmate sa Manila City Jail.

Facebook Comments