Manila, Philippines – Nagbabala ang Manila Water sa posibleng kakapusin ng tubig, dalawang taon simula ngayon kung hindi agad matutugunan ang problema sa supply nito.
Ayon kay Manila Water Head Communication Jeric Sevilla Jr., mayroon tayong technology na available pero kulang aniya ay imprastraktura katulad ng dam, treatment plan at malalaking linya na dadaluyan ng tubig.
Paliwanag ni Sevilla, dalawang taon simula ngayon ay posibleng kakapusin ng supply ng tubig ang bansa kapag walang bagong pagkukunan.
Nabatid na ginagawa na ng Manila Water ang Rizal province water supply improvement project na tinatayang matatapos last quarter ngayon taon na pinondohan na anim na bilyong piso.
Facebook Comments