KAKASUHAN | 15 pulis na nakagawa ng human rights violations, inirekomendang kasuhan ng PNP

Manila, Philippines – Inirekomenda na ng Philippine National Police (PNP) ang pagsasampa ng kasong kriminal laban sa 15 pulis na may mga paglabag sa karapatang pantao.

Ayon kay Chief Superintendent Dennis Siervo, hepe ng PNP Human Rights Affairs Office, maaaring maharap ang 15 sa kasong paglabag sa Republic Act 9745 o ang Anti-Torture Act.

Kabilang sa mga balak kasuhan ang isang may ranggong Chief Inspector, isang Senior Police Officer 4, tatlong Police Officer 2 at anim na Police Officer 1 (PO1).


Bukod sa kasong kriminal, maghahain din ng hiwalay na kasong administratibo ang PNP sa 15.

Paglilinaw naman ni Siervo, dumaan sa due process ang kaso ng mga ito.

Sabi pa ni Siervo, isasailalim rin sa anger management ang mga nasabing pulis lalo na ang mga nakakahalubilo ng komunidad.

Facebook Comments