KAKASUHAN | Barangay chairwoman sa Maynila, inireklamo ng MMDA sa DILG

Manila, Philippines – Inireklamo sa DILG ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang Barangay Chairwoman ng Barangay 659 Zone 71 District 5 ng Maynila na si Ligaya Santos.

Kaugnay ito sa kabiguan ni Santos na panatilihin ang kaayusan sa Plaza Lawton, Liwasang Bonifacio, Post Office at iba pang matataong lugar sa kaniyang nasasakupan.

Ayon kay Bong Nebrija, Operations Supervisor ng MMDA, dapat mapanagot si Santos ng neglect of duty dahil kabila ng kanilang sunod-sunod na clearing operations sa mga illegal vendors, illegally parked vehicles at illegal terminals ng mga jeep at UV express sa lugar, bigo ito na mapapanatili ang kaayusan sa mga lugar.


Ito aniya ay maituturing na paglabag rin sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng MMDA at DILG kung saang nasasaad na dapat magtulungan ang dalawa para sa kaayusan ng mga pampublikong mga lugar.

Hihiling ng MMDA na patawan ng disciplinary action ng DILG si Santos.

Facebook Comments