KAKASUHAN | Dating Lanao del Sur mayor, kinasuhan ng Ombudsman dahil sa hindi naideklarang SALN

Nakitaan ng Office of the Ombudsman ng sapat na katibayan para sampahan ng kaso si dating mayor Mohammadali Abboh Abinal ng Marantao, Lanao del Sur dahil sa hindi pagdedeklara ng tamang Assets, Liabilities and Net Worth.

Anim na kaso ng paglabag sa Section 8 ng Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees at sa Article 183 of the Revised Penal Code ang isinampa ng anti-graft court laban kay Abinal.

Ito ay dahil sa kabiguan niya na ideklara sa kaniyang Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ang mga baril at sasakyan sa taong 2007 hanggang 2012.


Ayon sa Ombudsman Resolution, nagsinungaling si Abinal nang ikatwiran niya na nakumpiska at nawala na ang limang mamahalin niyang baril at naibenta na niya sa junk shop ang isa niyang sasakyan kaya hindi niya isinama sa SALN.

Facebook Comments