KAKASUHAN | Dating Tourism Secretary Ramon Jimenez, sinampahan ng kasong graft

Manila, Philippines – Sinampahan ng kasong graft si dating Department of Tourism (DOT) Secretary Ramon Jimenez.

Nag-ugat ito sa ‘It’s More Fun in the Philippines’ ad campaign ng kagawaran.

Ayon kay National Bureau of Investigation (NBI) Public Information Chief Nicanor Suarez, inihain ang kaso nitong nakaraang Biyernes, Abril 27.


Bukod aniya sa graft, inirekomenda rin nila na sampahan siya ng kasong administratibo.

Sa ngayon, hindi pa available ang kopya ang NBI sa isinampa nitong reklamo laban kay Jimenez sa Ombudsman.

Facebook Comments