KAKASUHAN | Dating Vice President Binay, BSP at BIR officials, pinasasampahan ng Ombudsman

Manila, Philippines – Nakumpleto na ng Field Identification Office ng Office of the Ombudsman ang fact-finding investigation nito sa laban kina dating Boy Scout of the Philippines President Jejomar Binay, Senior Vice President Wendel Avisado at tatlumput-isang iba pang opisyales ng BSP kaugnay ng umano ay kwestyonableng pagkakabenta ng ari-arian ng Boy Scouts of the Philippines (BSP).

Kasong kriminal at administratibo ang inirekomenda ng FOI.

Nahaharap din sa kaparehong kaso ng paglabag sa Republic Act 3019 o ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act si Alphaland Makati Place, Inc. (AMPI) President Mario Oreta at tatlong dating opisyales ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na isna Teodoro Galicia, Mark Anthony Panganiban at Romeo Tomas.


May kinalaman ang reklamo sa ‘undervalue’ na pagbebenta noong June 2011 sa 10,000-square meter property ng BSP na matatagpuan sa Malugay Street, Makati City.

Sa ilalim ng kontrata nabili lang umano ito ng AMPI sa halagang P600 million gayong nakasaad sa loan and security agreement ng dalawang partido na P1.75 billion ang tunay na halaga ng Malugay property.

Nahaharap pa sa karagdagang kaso ng Gross Neglect of Duty sina Binay at Avisado at pitong iba pang BSP executives.

Sasalang pa sa preliminary investigation at administrative adjudication ang criminal at administrative charges bago ang pormal na pagsasampa nito ng Ombudsman.

Facebook Comments