KAKASUHAN | DENR, inihahanda na ang kaso laban sa importer ng basura mula sa SoKor

Kakasuhan ng DENR ng patung-patong na kasong kriminal at administratibo ang importer na responsable sa pagpasok ng tone-toneladang basura na galing ng South Korea.

Ito ang tiniyak ni DENR Undersecretary for Solid Waste Management and LGU Concerns Benny Antiporda kasunod ng isinasagawang imbestigasyon at waste analysis ng DENR sa pamamagitan ng Environment Management Bureau (EMB).

Ayon kay Antiporda, ngayong linggo inaasahang lalabas na ang resulta ng imbestigasyon ng DENR.


Batay sa inisyal na impormasyong hawak ng environment department, bukod sa hindi lisensyadong importer ng recyclable materials ang Verde Soko Industrial Corporation, hindi rin sakop ng DENR-issued importation clearance ang ipinasok nitong shipment.

Ang naturang shipment ay dumating sa port ng Misamis Oriental noong July 21 sakay ng MV Affluent Ocean na naglalaman ng hazardous materials pero nakadeklarang “plastic synthetic flakes” lamang.

Facebook Comments