Manila, Philippines – Nagbanta ang pamunuan ng Department of Health sa mga
hospital na tumatangging tumanggap ng mga pasyenteng hinihinalaang may
Dengue o naturukan ng Dengvaxia vaccine.
Ang pahayag ay ginawa ni Health Secretary Francisco Duque III matapos na
tanggihan umano ng apat na hospital sa Cavite ang isang pasyenteng
naturukan umano ng Dengvaxia ay isinugod sa pagamutan sa Cavite pero
pinagpasa-pasahan lamang umano ng naturang mga pagamutan.
Paliwanag ni Duque, hindi dapat tanggihan ng mga doktor ang mga pasyenteng
hinihinalaang naturukan ng Dengvaxia vaccine dahil posibleng makakasuhan
ang mga opisyal ng hospital ng kasong Administratibo kapag napatunayang
hindi tinanggap ang pasyenteng hinihinalaang mayroong Dengvaxia.
Giit ng kalihim, mahigpit ang kanyang tagubilin sa lahat ng mga pagamutan
na may lagay ng Fast lane at huwag tanggihan ang mga pasyenteng
hinihinalaang naturukan ng Dengvaxia vaccine.