Sasampahan ng kaso sa Ombudsman at DPWH ang isang district engineer ng Cordillera Administrative Region (CAR) dahil sa 10 milyong piso inisyal na tong-pats na proyekto ang nakukuha ni DPWH District Engineer Lorna Ricardo ng CAR.
Ayon kay PACC Chair Greco Belgica tatlong araw nila umanong tinatrabaho ang modus operandi ng kawani ng DPWH CAR kung saan ay nakuha nila ang isang impormasyon na mayroong lagayan sa DPWH.
Paliwanag ni Belgica pagka-report sa kanya ay agad na ipinapa-operate niya kaagad at nakuhanan pa ng video ang kanilang usapan na lagayan na ang proyekto ay nagkakahalaga ng 100 milyong pesos na development project kung saan humihingi ng 10 porsyento si Ricardo kapalit para matuloy ang naturang proyekto.
Giit ni Belgica na magsilbing babala sa lahat ng mga opisyal at empleyado ng gobyerno na humihingi ng lagay kapalit para mapadali ang kanilang mga transakyon.