KAKASUHAN | Grupo ng mga manggagawa, planong sampahan ng kaso si Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Pinag-iisipan na ng iba’t-ibang malalaking labor group ang pagsasampa ng kaso laban kay Pangulong Rodrigo Duterte, dahil sa kaniyang paglabag sa ating saligang batas.

Ayon kay National Federation of Labor President Deobel Deocares, lumabag si Pangulong Duterte sa article 13, section 3 ng constitution tungkol sa mga manggagawa na dapat mabigyan ng kasiguraduhan sa trabaho, pero mayroon pa rin umiiral na kontrakwalisasyon.

Bukod dito, aniya, ay entitled din ang mga manggagawa sa living wage, pero mayroong RA 6727 o minimum wage na ipinatutupad na nagpapahirap aniya sa mga manggagawa.


Paliwanag naman ni President Labor Alliance of Free Worker Union Atty. General Du, kinakausap pa nila ang iba’t-ibang stakeholders upang plantsahin ang kanilang planong pagsasampa ng kaso laban sa Pangulo, kung saan kumakalap pa rin sila ng mga malalakas na ebidensiya laban dito.

Giit ng mga grupo ng manggagawa, titiyakin nilang mananagot anila si Pangulong Duterte sa batas bagamat mayroong immunity ang Pangulo. Plano nila itong sampahan ng impeachment, dahil sa paglabag anila ng Pangulo sa saligang batas.

Facebook Comments