KAKASUHAN | Grupong Akbayan Youth, magsasampa ng kasong administratibo sa Ombudsman laban kay Presidential Communications Asec. Mocha Uson

Manila, Philippines – Sasampahan ngayong araw ng kasong administratibo sa Office of the Ombudsman ng grupong Akbayan Youth si Presidential Communications Assistant Secretary Mocha Uson dahil sa pagpapakalat ng fake news.

Ayon kay Justice Balane, Communications Officer ng Akbayan Youth, sampung estudyante mula sa iba’t-ibang eskwelahan ang magsisilbing complainant sa reklamong gross misconduct.

Giit ni Balane, bilang isang opisyal ng pamahalaan hindi naging maingat si Uson sa pagpapakalat ng mga tamang balita.


Magdadala rin aniya sila ng protest sign at coffee cups na may litrato ni Uson at may nakasulat na #firemocha.

Facebook Comments