KAKASUHAN | Limang barangay chairman na bigong magpatupad ng BADAC sa kanilang lugar, kinasuhan na ng DILG

Manila, Philippines – Sinampahan na ng kasong administratibo ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa ombudsman ang limang mga barangay chairman na bigong magpatupad ng Barangay Drug Abuse Councils (BADAC) sa kanilang mga lugar.

Mismong sina DILG Assistant Secretary RJ Echiverri at Undersecretary Martin Diño ang nagsampa ng reklamo laban sa mga opisyal ng barangay 471 at 477 sa Tondo; 482 sa Sampaloc; 659 sa Ermita, at 690 sa Malate, Maynila.

Bukod sa kanila, may labing-isang kapitan pang kakasuhan ang DILG mula naman sa labas ng Metro Manila.


Matatandaang inanunsyo ng ahensya na may 72 barangay official sa buong bansa ang kakasuhan nila dahil sa reklamo.

Facebook Comments