Manila, Philippines – Papanagutin ang lahat ng mga pulis na hindi nag-report for duty noong pasko at bagong taon.
Tiniyak ito ni PNP Chief Director General Ronald Bato Dela Rosa.
Aniya, sa ngayon naayos pa nila ang “attendance report” ng lahat ng mga pulis upang matukoy kung sino ang pumasok o hindi nitong nakalipas na araw ng pasko at bagong taon.
Matatandaang ipinag-utos ni Dela rosa ang 100 porsyentong deployment ng mga pulis mula alas singko ng hapon noong Dec. 24 hanggang singko ng umaga noong Dec 25 at 5pm ng Dec 31 hanggang 5am ng January 1, bilang bahagi ng Oplan ligtas paskuhan 2017.
Pinaalalahanan ni PNP Chief ang mga pulis na umuwi sa mga lalawigan na magsumite ng certification ng pinakamalapit na Police station sa kanilang lugar kung saan sila nag-report for duty.
Tiniyak ni Dela Rosa na ang mga pulis na hindi sumunod sa Christmas at New Year deployment ay kakasuhan ng serious neglect of duty.