KAKASUHAN? | PDEA, nagbabalang kakasuhan ang mga barangay official na hindi makikipagtulungan sa kampanya kontra droga

Manila, Philippines – Nagbabala ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na makakasuhan ang barangay official na hindi tutulong sa kampanya laban sa ilegal na droga.

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, mayroon lamang na 30-araw ang sino mang barangay official na hindi tatalima sa binuong Barangay Anti-Drug Abuse Councils (BADACS) ng PDEA at Department of the Interior and Local Government (DILG).

Aniya, nagpadala na ng sulat ang DILG sa mga ‘pasaway’ na barangay official na nananatiling walang ginagawa at tila ‘tutulog-tulog’ lang.


Giit ni Aquino, kung lahat ng opisyal ng barangay ay tutulong sa pinaigting na kampanya kontra droga ay darating ang panahon na magiging drug free ang bansa.

Facebook Comments