Manila, Philippines – Kakasuhan ng Department of National Defense (DND) si dating Veteran’s Federation of the Philippines President Retired Army Colonel Bonifacio De Gracia.
Batay sa statement na inilabas ni Defense Spokesperson Arsenio Andolong, iniutos mismo ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang pagsasampa ng kaso dahil sa gross violations
Si De Gracia ang may supervision at control sa Veterans Federation of the Philippines (VFP) bilang isang public corporation alin sunod sa republic act no. 2640.
Maliban dito, pinaiimbestigahan ni Lorenzana si Gracia, sa kanyang umano ay mismanagement, conflict of interest at korapsyon sa VFP.
Batay ito sa mga reklamo na ipinairal ni Gracia ang “kamaganak incorporated” sa kanyang pamunuan kung saan tumanggap umano ng malalaking sahod bilang consultants ang ilang mga hindi kwalipikadong kamag-anak ng naturang opisyal.
Kahapon ay matagumpay ding nailuklok ang mga bagong opisyal ng VFP sa pangunguna ni acting VFP President, dating Sandiganbayan Justice at World War II Veteran Manuel Pamaran matapos na patalsikin sa pwesto si De Gracia.
Siniguro ng bagong pamunuan ng VFP na isusulong nila ang maayos na pamamahala sa VFP para sa benepisyo ng buong komunidad ng mga beterano.