KAKASUHAN | Sen. Trillanes, magsasampa ng plunder case sa magkakapatid na Tulfo

Manila, Philippines – Sasampahan ni Senator Antonio Trillanes IV ng kasong plunder o pandarambong ang magkakapatid ng Ben at Erwin Tulfo at dating Tourism Secretary Wanda Tulfo Teo.

Ang hakbang ni Trillanes ay kaugnay sa pahayag ni Ben Tulfo na wala silang balak na isauli ang 60-millin pesos na umano’y kinita mula sa naiselyong kontrata sa Department of Tourism o DOT noong tumatayong kalihim nito ang kapatid nilang si Wanda Teo.

Bukod dito ay umapela din si Trillanes sa Senate Blue Ribbon committee na tugunin ang inihain niyang resolsuyon na humihiling ng imbestigasyon kaugnay sa kontrobersiya.


Diin ni Trillanes, layunin ng pagdinig ng Senado na matukoy kung gaano katindi ang korapsyong naisagawa at gaano kalaking pera ng taongbayan ang nalustay ng nagdaang liderato ng DOT.

Facebook Comments