Manila, Philippines – Bago ang Mayo a 10, pinaplano ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) sa Department of Justice (DOJ) upang maghain ng kasong Plunder sa mga dating opisyal ng Department of Health (DOH) kaugnay sa di umano’y maanumalyang procurement process ng Dengvaxia vaccine.
Ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, legal counsel ng VACC, pinagbasehan nila ang draft report ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay sa issue ng Dengvaxia.
Inaantay na lamang nila na mapirmahan ito upang magamit nila para sa paghahain ng kaso.
Kabilang sa mga respondents ng Plunder case ay sina dating Pangulong Noynoy Aquino III, former budget secretary Florencio Abad, dating Health Secretary Janette Garin, DOH Undersecretary Carolina Vidal- Taiño, Usec. Gerardo Bayugo, Health Asec Lyndon Lee Suy.
Plano rin ng VACC na sampahan ng reklamong Obstruction of Justice si DOH Secretary Fracisco Duque III, dahil umano sa pahirapan ang pakikipagugnayan nila dito at matagal na pagbibigay ng mga dokumento na kanilang ini-request mula sa DOH kaugnay sa mga naturukan ng Dengvaxia