Kakatawan sa PNP sa INTERPOL Ad Hoc Committee, pinangalanan

Itinalaga si Philippine National Police (PNP) Directorate for Plans Director Police Maj. General Bernard Banac bilang isa sa 6 na miyembro ng International Criminal Police Organization (INTERPOL) Ad Hoc Committee.

Ang Ad Hoc Committee ay inatasang pag-aralan ang mga rekomendasyon na ipinasa sa katatapos lamang na ika-24 na Asian Regional Conference sa Abu Dhabi, United Arab Emirates na nilahukan ni PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr.

Samantala, nagpapasalamat si Gen. Azurin sa INTERPOL at sa lahat ng delegasyon na lumahok sa pagpupulong kung saan nabuo ang roadmap na layuning paigtingin ang kooperasyon ng lahat ng police organizations na susuriin naman ng Ad Hoc Committee.


Kabilang sa mga panukala ang pagpapalawak ng mga National Central Bureaus ng INTERPOL global secure communications system sa iba pang national law enforcement entities para mapalakas ang seguridad sa kanilang mga borders.

Sa pamamagitan nito, agad na ma-a-access ng isang officer ang impormasyon patungkol sa mga kriminal na nasa database ng ibang mga myembrong bansa.

Facebook Comments