Kakaunting bilang ng mga Bakunadong Mag-aaral, Problema sa Pagbubukas ng Higher Education Institution sa Region 2

13

Cauayan City,Isabela- Naghahanda na ang pamunuan ng Commission on Higher Education (CHED) Region 2 sa posibleng pagpapalawak ng face-to-face classes kasabay ng pagsasailalim sa Alert Level 2 status ng Cagayan Valley.

Inihayag ni CHED Region 2 Regional Director Julieta Paras na kasalukuyan na ang ginagawang koordinasyon sa mga Local Government Unit para sa pagbubukas ng iba pang mga State Colleges sa rehiyon.

Pinag-uusapan na rin ang pagkakaroon ng school-based vaccination sa mga estudyante sa muling pagbubukas ng face-to-face classes sa Enero 2022.


Kaugnay nito, sisimulan na ang pagtanggap ng aplikasyon para sa mga unibersidad na nais magbukas ng limited face-to-face classes.

Problema naman ng ilang unibersidad ang kakaunting bilang ng mga nabakunahang mag aaral sa kabila ng kahandaan ng pagbubukas para sa limited face-to-face classes.

Facebook Comments