Manila, Philippines – Kakausapin ngayon ni Customs Commissioner Isidro Lapena si Executive Secretary Salvador Medialdea para magbigay ng update sa insidente ng pagkakalusot ng bilyon bilyong pisong halaga ng Shabu sa Bureau of Customs.
Nabatid na matapos ang pagamin kahapon ni Lapeña na naniniwala na siya na mayroong lamang Shabu ang 4 na magnetic lifters ay hindi pa sila naguusap ni Pangulong Rodrigo Duterte na una nang nanindigan naman na walang lamang droga ang mga magnetic lifters na ibinase din namang ng Pangulo sa una nang naging pahayag ni Lapeña.
Ayon kay Lapeña, hindi pa niya nakakausap si Pangulong Duterte pero magrereport naman aniya siya kay Secretary Medialdea pra sabihin na naniniwala na siya na mayroong lamang iligal na droga ang mga nakitang magnetic lifters sa GMA Cavite.
Una nang sinabi ni Lapeña na hindi siya magbibitiw sa posisyon dahil mayroong marching order sa kanya si Pangulong Duterte tuldukan ang katiwalian at pataasing ang kita ng BOC at sa ngayon ay marami pa siyang kailangang gawin sa Customs.