Manila, Philippines – Naiabot na ng Riders of the Philippines (ROTP) sa Presidential Communications Operations Office (PCOO) ang sulat na humihiling na makaharap nila si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Jobert Bolanos ng convenors ng ROTP, nais nilang makaharap ang Pangulo para talakayin ang mga usapin hinggil sa motorcycle community.
Aniya, ang ginawa nilang national unity ride ay pagpapakita ng pagtutol nila sa discriminatory policy sa mga nagmomotorsiklo.
Kaugnay nito, hinimok ng ROTP ang pamahalaan na repasuhin ang regulasyon at polisiya dahil tinatrato ang mga motor rider ng hindi makatarungan.
Hiling rin nila na mag-isyu ng polisiya ang pamahalaan na gawing ligtas ang pagmomotorsiklo sa bansa at magkaroon ng unified motorcycle law.
Facebook Comments