Umarangkada na ang pagsasakatuparan ng mga pagsasanay at programa na magtutuon tungo sa malakas na sektor ng agrikultura sa Lingayen kung saan mga kabataang mangingisda at magsasaka ang sentro.
Sa nakalipas na pagsasanay sa Organic Agriculture Production noong Nobyembre, dalawamput apat (24) na kabataang magsasaka, mangingisda, out-of-school youth, miyembro ng 4Ps, environmental advocates, at mga nagnanais maging bahagi ng sektor ng agrikultura sa Lingayen ang lumahok at nabigyan ng sertipiko mula sa TESDA Pangasinan Training Center.
Inaasahang palalakasin pa nito ang kakayahan ng kabataan sa makabago at praktikal na organic farming upang matugunan ang pangangailangan sa pagkain na sinosolusyonan ng agrikultura.
Suportado ng lokal na pamahalaan ang naturang aktibidad bilang bahagi ng ordinansa na inihain para sa tinukoy na sektor at maging produktibo ang mga kabataan sa Lingayen. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









