
Pinatatag ng Pangasinan Police Provincial Office (PPO) ang kakayahan ng mga policewoman sa lalawigan sa pamamagitan ng isinagawang Basic Firing Proficiency Training ngayong araw, Marso 27, 2026, bilang bahagi ng selebrasyon ng National Women’s Month.
Dumalo sa aktibidad ang mga policewoman mula sa iba’t ibang yunit upang magsanay sa tamang paggamit, kaligtasan, at marksmanship ng baril.
Kasama sa training ang lecture at praktikal na pagsasanay gaya ng assembly at disassembly, dry fire drills, at aktwal na pagpapaputok, na nagpalakas sa kanilang kumpiyansa at kahusayan sa tungkulin.
Binigyang-diin din ang mahalagang papel ng mga policewoman sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan.
Ayon sa PPO Pangasinan, ang inisyatibong ito ay patunay sa kanilang patuloy na pagpapalakas sa kababaihan sa kapulisan upang maging handa, kumpiyansa, at laging nakahandang magsilbi at pumrotekta sa komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










