Kakayahan ng PAF na protektahan ang bansa sa mga trespasser, sapat para kay Pangulong Marcos

Malaki ang maitutulong ng mga bago at dagdag na air craft at radar system sa kakayahan ng Philippine Air Force (PAF) na protektahan ang bansa.

Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mga biniling mga karagdagang sasakyang panghimpapawid pati na rin ang mga advanced na radar system ay siyang nagpabago sa kahandaan ng Air Force at nagpahusay sa kanilang misyon.

Dahil aniya dito, handa ang bansa lalo na harapin ang hamon at kung sakaling may mga trespassers sa ating teritoryo.


Ipinagmalaki rin ng pangulo na lumakas pa ang maritime domain awareness ng bansa sa pamamagitan ng regular na pagsasagawa ng maritime patrol mission.

Pinalakas din ng Pilipinas ang international defense and security engagements nito sa pamamagitan ng mga bilateral at multilateral military exercises.

Facebook Comments