Mas pinalalakas pa ang mga maliliit na negosyante o mga Micro, Small, Medium Enterprises (MSMEs) sa Infanta sa pamamagitan ng mga proyektong inilulunsad para sa mga ito.
Nitong, September 24, 2025 inihatid ng NGCP-DTI ang proyektong “Tulong sa Kabuhayan” sa mga benepisyaryo sa bayan sa pakikipag-ugnayan na rin sa lokal na pamahalaan ng Infanta.
Dito ay binigyang pansin sa Livelihood Awarding Ceremony ang mga benepisyaryo ng proyekto para sa patuloy na suporta ng mga tanggapan at pagpapalakas pa ng komunidad at pagpapaangat ng kabuhayan ng mga ito.
Nagsagawa rin ng seminar ukol sa Entrepreneurship and Financial Management na sinundan ng iba’t -iba pang pamamaraan pagdating sa pagnenegosyo at financial skills.
Facebook Comments









