Kakayahang militar ng bansa, pinalalakas pa ni PBBM para sa depensa at kapayapaan

Patuloy na pinalalakas ng Pilipinas ang military capability nito para idepensa ang bansa laban sa anumang agresyon mula sa ibang mga bansa.

Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa Shangri-La Dialogue sa Singapore kaharap ang mga lider at defense minister ng iba’t ibang bansa sa mundo.

Ayon sa pangulo, nasa proseso ngayon ang bansa sa paghahanap ng suppliers para sa Modernization Program Horizon 3 ng Armed Forces of the Philippines (AFP).


Sa pamamagitan aniya nito ay magkakaroon ng magandang defense posture ang bansa sa ilalaim ng unilateral defense plan.

Target din aniya ng administrasyong Marcos na mapalakas ang depensa ng bansa bago umalis sa pwesto dahil ang depensa sa teritoryo ay siyang responsibilidad ng gobyerno.

Giit ng pangulo, hindi niya papayagan na may sundalo o coast guard personnel ang masusugatan sa mga ginagawa ng China kaya mas paiigtingin pa nito ang presensiya sa West Philippine Sea (WPS).

Facebook Comments