KAKAYANIN | DILG, kumpiyansa na hinog na ang Calabarzon sa paglipat sa federalism

Inihayag ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na naabot na ng Calabarzon ang buo nitong potensyal para makalangoy sa sandaling magpalit ng porma ng gobyerno patungong pederal na porma ng gobyerno.

Sinabi ni DILG Assistant Secretary Jonathan Malaya na dahil sa malusog at lumalawak na kondisyong pang ekonomiya nito, kakayanin ng mga LGUs sa Calabarzon na maka-transition patungong federalism.

Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), dahil sa matibay na manufacturing at construction nito, lumago ang ekonomiya ng Calabarzon ng hanggang 6.7% noong 2017 mula sa 4.8% na paglago noong 2016.


Maliban dito, apat sa limang probinsiya sa ilalim nito ang nanguna sa competitiveness index ng Department of Trade and Industry (DTI) noong 2018.

Patuloy din na sumisingkad ang pag-unlad ng infrastructure, agrikultura, turismo, kalakalan at information technology ng Calabarzon na mahalagang component sa isang federal form of government.

Kumpiyansa ang ahensya na mahalaga ang papel nito sa iba pang rehiyon.

Iimpluwensyahan nito ang manufacturing at agricultural sectors sa ibang rehiyon dahil sa istratehiko nitong lokasyon.

Hindi lamang ito malapit sa Metro Manila kundi nagsisilbi ring gateway ng Luzon sa mga taga south.

Bibisitahin ng DILG ang Calamba, Laguna upang ipaliwanag sa mga lokalidad doon ang federalism.

Facebook Comments