Manila, Philippines – Kinakilangan pang dumaan pa sa iba’t-ibang pagsusuri ang 48 Dalian trains ng MRT-3 na binili sa China. Ayon sa Department of Transportation (DOTr), inirekomenda ng independent certifier at auditing firm TUV Rheinland na dumaan sa weighing test ang mga bagon dahil bigo ang dating project team na dumalo sa nangyaring pagsusuri sa China noong 2015. Malalaman din dito, kung kakayanin ng mga riles ang bigat ng mga naturang bagon. Kinukuha pa ng certifier ang iba pang karagdagang impormasyon sa disenyo ng tren. Aantayin ng DOTr ang final report ng auditing firm para masunod nila ang rekomendasyon nito para magamit ng maayos at ligtas ang mga Dalian trains.
Facebook Comments