Nangangamba ang ilang paaralan sa bansa sa paghahanda sa pagbubukas ng face-to-face sa susunod na linggo dahil sa mga classroom na nasira ng magnitude 7 na lindol noong July 27.
Sa Quezon City ay nasa 34 classroom sa Ismael Mathay Senior High School ang hindi maaaring gamitin para sa face-to-face classes matapos ideklarang hindi ligtas gamitin ng city engineers.
Sa kabila ng kakulangan sa pasilidad ay tuloy pa rin ang pagsisimula ng klase sa paaralan sa August 22 ngunit isasagawa lamang ang in-person classes isang beses sa isang linggo.
Aabot naman sa pitong silid-aralan sa Tayum Central School sa Abra ang hindi na rin pwedeng gamitin matapos masira ng lindol habang nasa 11 classrooms naman ang nasira sa Magsingal North Central School sa Ilocos Sur.
Batay sa datos ng Department of Education (DepEd), nasa higit 1,000 paaralan sa bansa ang naapektuhan ng magnitude 7 na lindol noong July 27 sa anim na rehiyon sa bansa.