Inihayag ng Office of the Provincial Agriculture (OPAG) – Pangasinan ang kakulangan ng cold storage sa lalawigan matapos idaing ng mga magsasaka ang kakulangan nito.
Sa naganap na sesyon sa Sangguniang Panlalawigan, sinagot ni Provincial Agriculturist Dalisay Moya ng OPAG ang katanungan ni 4th District Board Member Jerry Rosario kung mayroon bang sapat na cold storage sa lalawigan at kanya naman itong pinatotohanan.
Ayon kay Moya, dalawa lang ang gumaganang cold storage sa lalawigan ngunit hindi ito pagmamay-ari ng pamahalaan bagkus ito ay mga pribadong cold storage na matatagpuan sa mga bayan ng Bayambang at San Fabian.
Ayon pa sa kanya, ang mga magsasakang walang cold storage ay agad na nilang ibinibenta ang kanilang mga naaani dahil upang hindi na masira.
Sa ngayon, nagmungkahi na aniya ang OPAG ng konstruksyon ng cold storage facilities sa lalawigan sa Philippine Rural Development Project (PRDP)’.
Dagdag pa niya, may mga munisipyo na ang nag propose ng pasilidad para sa kanilang mga magsasaka.
Nangako naman ang opisyal na gagawin ang kanilang makakaya upang makapagpatayo ng cold storage sa lalawigan na kailangang-kailangan ng mga magsasaka sakaling maging available na ang programa.

Facebook Comments