Kakulangan ng LPG, pinawi ng DOE

Walang kakapusan sa Liquified Petroleum Gas o LPG.

Ito ang binigyang diin sa Laging Handa public briefing ni Atty. Rhino Abad, director ng Oil and Industry Management Bureau ng Department of Energy (DOE).

Ayon Kay Abad, walang disruption kung pag-uusapan ay suplay sa harap ng ipinatutupad ngayong pagpaparehistro ng mga reseller ng LPG para legal na makabenta.


Sinabi pa ni Abad na marami namang tumutugon sa itinakda nilang pagkuha ng mga kinauukulan ng Standard Compliance Certificate (SCC) bago ganap na makapagbenta ng LPG.

Sa nakalipas na tatlong linggo aniya ay nag a-average ng 300 hanggang 400 ang nagsusumite ng SCC application sa kanilang tanggapan at umaasa silang maaabot ang pitong libong bilang na dapat magparehistro ng kanilang LPG Business.

Facebook Comments