Kakulangan ng markers at folders, pino-problema ngayon ng PPCRV sa Las Piñas

 

Problemado ngayon ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting o PPCRV sa Brgy. Pamplona Tres sa Las Piñas City dahil sa limitado lamang ang mga markers at folders.

 

Ayon kay Atty. Jun Perez II, head coordinator ng PPCRV na naka-assign sa Las Piñas East National High School, nasa 8 piraso ng markers at folders ang ginagamit kada isang presinto kaya’t sobra ang haba ng pila ng mga botante lalo na’t may kabagalan ang proseso ng pagboto.

 

Bukod pa ito sa 5 vote counting machine o VCM na nagka-aberya na hanggang ngayon ay kanila pa nilang inaantay ang kapalit nito mula sa local Comelec offices ng Las Piñas.


 

Sinabi pa ni Atty. Perez na maging ang lugar kung saan pwede bumoto ang mga Person with Disabilities, mga buntis at Senior Citizen ay hindi napag-planuhan ng maayos kaya’t ilan sa kanila ay nahihirapang makaboto.

 

Nauna na din sinabi ni Perez na kanilang sinita ang ilang empleyado ng barangay na nagsagawa ng pagpupulong sa mga watchers sa loob ng paaralan kung saan hawak nila ang isang kandidato ng Nacionalista Party.

 

#RMNbantaybalota2019

Facebook Comments